Quarantine status ng ilang LGU sa Nobyembre inaapela – DILG spox

Quarantine status ng ilang LGU sa Nobyembre inaapela – DILG spox

October 28, 2020 @ 6:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umapela ang ilang local government units sa rekonsiderasyon tungkol sa kanilang quarantine status simula November 1, batay sa tagapagsalita ni Department of the Interior and Local Government (DILG).

“Mayroon po na mga appeal ngunit hindi ko pa po puwedeng ito ay ilabas, ‘yun po kasi ang proseso namin. Hindi po kami nagbibigay ng announcement until maproseso ito ng IATF but we will make the necessary announcement po kung mayroon nang desisyon ang technical working group at napagdesisyunan na po ito ng IATF,” ani Jonathan Malaya said sa Laging Handa press briefing.

Nauna na nga ritong isinailalim ni President Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao Del Sur sa ilalim ng general community quarantine mula Nobyembre 1 hanggang 30. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...