Quarry ops sa Albay sinuspinde ng bagong upong gobernador

Quarry ops sa Albay sinuspinde ng bagong upong gobernador

December 7, 2022 @ 8:11 AM 2 months ago


ALBAY – Sinuspinde na ng kauupong gobernador ng probinsya ang lahat ng quarry operations sa lalawigan.

Agad na nilagdaan ni Gobernador Edcel Greco Alexandre Lagman ang Executive Order (EO) No. 2 na nagpapatigil sa lahat ng quarry operations sa lalawigan ay dapat suspendihin simula Disyembre 5 hanggang Disyembre 18.

“An inventory of all quarry operators shall be conducted, their compliance with existing ordinance shall be determined, and an ocular quarry site inspection shall be undertaken by the Albay Environment and Natural Resources Office,” saad din sa nasabing kautusan.

Bukod sa pagsuspinde ng quarry operations, naglabas din siya ng EO No. 3 na nagsususpinde sa paghahatid ng buhangin, graba, at iba pang quarry resources sa lalawigan.

Sinabi ni Lagman na ang layunin ng authentication ng mga delivery receipts ay kailangan upang matiyak na ang lalawigan ay hindi magiging prejudiced, income-wise.

Samantala, pinirmahan din noong Lunes ng EO No. 4, ang Task Force Kalikasan at tinanggal ang lahat ng itinalagang tauhan ng Bantay Kalikasan.

“In view of the said suspension, there is no more legal basis for the continue operation of the Task Force Kalikasan. Consequently, with the abolition of said Task Force, its complement personnel shall also be dissolved,” dagdag pa rito.

Gayunpaman, sinabi ni Lagman na ang lahat ng natanggal na tauhan ay may karapatan sa kani-kanilang suweldo.

Aniya, layunin niya na bumalik sa normal ang lokal na pamamahala sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pagkagambala sa serbisyo publiko.

Si Lagman ay iniluklok bilang punong ehekutibo ng probinsiya noong nakaraang linggo matapos mapatalsik ng Commission on Elections si Noel Rosal dahil sa disqualification charge. RNT