Queen Elizabeth nakiramay sa Pinas matapos ang bagyong Ompong

Queen Elizabeth nakiramay sa Pinas matapos ang bagyong Ompong

September 21, 2018 @ 5:45 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

 

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay si United Kingdom Queen Elizabeth II kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mataas na bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Isinapubliko ng UK government ang liham na ipinadala ni Queen Elizabeth kay Pangulong Duterte sa opisyal na website ng The Royal Family, tatlong araw matapos ang hagupit ng bagyo sa Luzon.

“I was deeply saddened to learn of the loss of life and the devastation caused by Typhoon Mangkhut,” ayon sa sulat.

“Prince Philip and I send our sincere condolences to all the victims, to those who have lost loved ones, and to those who have seen their homes and property destroyed.”

“My thoughts and prayers are with all those affected by these tragedies,” aniya sa dulo ng kanyang liham. (Remate News Team)


  •  
  •  
  •  

Loading...