Queen P, may iniindang karamdaman!

Queen P, may iniindang karamdaman!

July 15, 2021 @ 11:01 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Looks can be deceiving.

Ito ang bottom line ng mahabang post ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kaugnay ng kanyang health condition.

Bale kelan lang pala natuklasan ni Pia na meron siyang high cholesterol at lactose intolerance. Nagtataka siya gayong she lives a healthy lifestyle.

Kaya raw pala namimilipit siya sa sakit sa tuwing iinom ng kape, may gatas kasi ito. Bet pa naman daw niya ang dairy products tulad ng keso, “Kaso ayaw ng katawan ko.”

Kaya ang payo niya: “Listen to your body.”

Dagdag niya, hindi raw porke mukhang malusog ang tao sa panlabas nitong hitsura ay wala itong health issues, kaya what Pia does now ay lalong magseryoso to keep herself fit sa pamamagitan ng puspusang workout.

Sa ganoong paraan daw ay maaaring ma-reverse  kung anuman ang pinagdaraanan niya health-wise. Ronnie Carrasco III