Queen P, nagbenta ng pre-loved na gamit, kumita!

Queen P, nagbenta ng pre-loved na gamit, kumita!

May 4, 2022 @ 5:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Proof na pumatok ang live selling ni Mariel Rodriguez ng kanyang mga branded stuff ay ang sumunod na sultada nito.

But this time around ay hindi pagmamay-ari ng misis ni Robin Padilla ang ibinenta niya.

Napuyat lang naman ang mga prospective buyers niya para abangan ang kanyang merchandise which she called “things from a queen.”

Ginawa pa niyang pahulaan kung kanino ang mga items na ‘yon.

“Oh, i just love her collection!” sey ni Mariel of her items up for sale.

It turned out na kay Pia pala ang mga ‘yon.

Na-inspire nga ang Miss Universe 2015 na pasukin na rin ang live selling although iniatas niya  ‘yon kay Mariel.

Hindi malinaw kung nakamagkano si Mariel in total sales, pero for sure naman ay may pakonsuwelo si Pia sa kanya.

Hindi kami magtataka kung marami pang celebrities ang magkakaroon ng live selling ng kanilang mga pre-loved items.

Dagdag income nga naman ‘yon! Ronnie Carrasco III