Queen P, sumali sa NYC marathon!!

Queen P, sumali sa NYC marathon!!

July 26, 2022 @ 9:15 AM 2 weeks ago


Milan, Italy – Sa kauna-unahang pagkakataon, lalahok si Miss Universe 2015 Pia Wurtzback sa New York City marathon.

Bagama’t three months from now pa ‘yon ay nagsasanay na siyang tumakbo.

Kasalukuyang nasa Italy si Pia on a short vacation.

Pebrero ng kasalukuyang taon daw nang magsimula siyang tumakbo.

Kung dati-rati raw ay hirap siyang bunuin ang tatlong kilometro, ngayon daw ay nakaka-18 kms na siya.

Maganda naman daw ang epekto nito sa kanya, “I get to sleep better and manage stress better.”

Naging madali daw ang pagsali niya sa NYC marathon race.

Basta nagparehistro lang daw siya, nagbigay ng donasyon at naghintay.

“It didn’t take me three tries,” aniya, na ang tinutukoy ay ang tatlong attempt niyang sumali sa Binibining Pilipinas bago nakamit ang korona at kumatawan sa bansa.

Naisip daw niyang magpaka-busy sa pagtakbo nang dapuan ng Covid noon to think na health- conscious na nga siya.

Patunay na seryoso si Pia sa pagtakbo ay ang ipinost niyang larawan sa Instagram, kung saan naka-running outfit siya at hydration belt.

Ang problema nga lang daw niya, since she’s in Italy ay mahirap lumayo sa mapanghalinang tukso ng pizza at gelato. Ronnie Carrasco III