‘Queenie’ tropical storm na – PAGASA

‘Queenie’ tropical storm na – PAGASA

October 31, 2022 @ 1:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Lumakas si Tropical Depression Queenie sa tropical storm nitong Lunes ng umaga, ayon sa state weather bureau PAGASA.

“Queenie intensified into a tropical storm at 8:00 a.m. today. It may further intensify in the next 12 hours,” ayon sa PAGASA.

Subalit, inihayag ng ahensya na posibleng hindi direktang makaapekto si Queenie sa bansa hanggang Martes.

Huling namataan si Queenie 815 kilometers east ng northeastern Mindanao, na may maximum sustained winds na 65 km per hour, gustiness hanggang 80 km/h, at central pressure na 1000 hPa.

Kumikilos ito pa-west southwestward sa bilis na 10 km/h, ayon sa PAGASA.

Posibleng itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa eastern portion ng Caraga aat sa ilang lugar sa Eastern Visayas sa Martes ng gabi, base sa PAGASA.

Inaasahan ang “light to moderate with at times heavy rains” sa Caraga, Eastern Visayas, at Bicol Region simula sa Miyerkules. RNT/SA