Quezon naka-red alert na sa bagyong Paeng

Quezon naka-red alert na sa bagyong Paeng

October 28, 2022 @ 5:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinaas na ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa red alert status ang probinsya para sa posibleng epekto ng papalapit na Tropical Storm Paeng.

Sa memorandum na ipinalabas ni Quezon Gov. Angelina Tan, ipinag-utos nito sa lahat ng mga alkalde at disaster preparedness council na maghanda na sa kani-kanilang mga emergency operation centers.

Inatasan rin ang lahat ng mga disaster officials na sumunod sa mga panuntunan na inilabas ng Department of the Interior and Local Government kabilang ang disaster alertness, preparedness, response at monitoring ng mga lokal na pamahalaan.

Hanggang bukas naman, Oktubre 29 ay suspendido pa rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya bilang kaligtasan ng mga estudyante.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA ay nasa ilalim ng Signal No. 1 ang probinsya ng Quezon kabilang na ang Polillo Island. RNT/JGC