Quiapo Church dinagsa ngayong unang Biyernes ng 2021

Quiapo Church dinagsa ngayong unang Biyernes ng 2021

January 1, 2021 @ 11:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dinagsa ng mga deboto ang Quiapo Church ngayong araw, unang Biyernes  ng taong 2021.

Gayunman, nasusunod naman ang ipinatutupad na 30% seating capacity sa loob ng simbahan, dahil sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.

Ang iba naman ay matiyagang nakikinig at nanonood ng misa sa labas ng Simbahan  sa pamamagitan ng malaking LED screen.

Mahigpit namang nakabantay ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng Quiapo Church upang matiyak na nasusunod ang  minimum  public health  standards.

 

Magkakaroon naman ng misa novenaryo mamayang alas 12:15 ng tanghali o Novena Mass at pagkatapos nito ay magdaraos ng prusisyon sa loob ng Simbahang ng Quiapo.

Ito ay bahagi pa rin ng Pagsisiyam sa Karangalan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno o sa kanyang Kapistahan o Traslacion 2021.

Magkakaroon naman ng livestream  ng naturang misa  sa official Facebook page ng Quiapo church para sa mga hindi makadadalo sa misa ng personal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...