Quiapo Church sarado ng 2 linggo

Quiapo Church sarado ng 2 linggo

January 14, 2022 @ 10:11 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene, o Quiapo Church, na pansamantalang magsasara ito ng dalawang linggo, simula nitong Huwebes, Enero 13.

Ito ay para matulungan ang gobyerno na mabawasan ang COVID-19 surge sa bansa.

“The Minor Basilica of the Black Nazarene, Parish of St. John the Baptist (Quiapo Church), and all its offices will be temporarily closed today, January 13 until January 26, 2022, as part of our efforts to curb the spread of Covid-19, given the current surge in cases we are experiencing,” ani Msgr. Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, sa isang Facebook post.

Ayon pa kay Coronel na ang mga trabaho sa simbahan na nakapokus sa publiko ay suspendido rin.

“In this regard, organizational work and other church-related activities that cater to the public is suspended,” dagdag pa niya.

Hindi naman ititigil ng simbahan ang pagsasagawa ng misa dahil tuloy pa rin ang kanilang online mass.

“However, we will still continue to have our daily online masses and devotions streamed live on our social media pages and accounts,” paglilinaw naman ng pari.

Sa dalawang linggo pagsasara ng Quaipo Church sa publiko ikakasa ang disinfection sa kanilang mga opisina at sa simbahan mismo. RNT