Quiapo magpapatupad ng ‘zero vendor policy’ hanggang Enero 9

Quiapo magpapatupad ng ‘zero vendor policy’ hanggang Enero 9

January 6, 2022 @ 9:03 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Inaalis na ang mga nakapwestong tindahan sa paligid ng Minor Basilica of the Black Nazarene para sa nalalapit na kapistahan.

Sa inilabas na resolusyon ng national task force against COVID-19, isasara ang basilica mula Enero 7, Biyernes, hanggang Enero 9, Linggo.

 

Kaugnay rin ito ng ipatutupad na zero-vendor policy sa paligid ng basilica.

Iginiit naman na ang iba ay kusa nang umalis dahil maaga silang naabisuhan.

Magdaraos naman ng misa via online upang makapakinig pa rin ang mga deboto ng banal na misa. RNT/FGDC