Quiapo vendors ligpit-paninda na bago mag-pista

Quiapo vendors ligpit-paninda na bago mag-pista

January 3, 2023 @ 11:03 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang Kapistahan ng Quiapo o ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9 ay kanya-kanya nang ligpitan ang vendors para itabi ang kanilang mga paninda.

Una nang nag-abiso ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo sa mga vendor na bawal muna silang magtinda sa paligid ng Quiapo simula Enero 6.

Tuloy-tuloy naman ang pag-iikot ng mga tauhan ng Manila Police District para maalalahanan ang mga vendor hinggil sa mga nagtitinda hanggang sa matapos ang pista.

Ilang vendor naman ang nagsabi na mas mainam nang ligpitin at ilagay sa bodega ang kanilang paninda kaysa kumpiskahin ang kanilang hanapbuhay.

Paliwanag nila, pagpapakita na daw nila ito ng respeto sa mga tauhan ng MPD, Manila LGU at pamunuan ng simbahan ng Quiapo bilang paghahanda nila sa nalalapit na okasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden