Quiboloy biopic, inalok kay Lloydie, hindi makapag-commit!

Quiboloy biopic, inalok kay Lloydie, hindi makapag-commit!

March 21, 2022 @ 8:00 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang producer na si Atty. Ferdie Topacio na makukuha ng kanyang film outfit si John Lloyd Cruz sa biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.

Topacio owns Borracho Films which has produced quite a number of big-budget films.

Interesado naman siyang kunin si Lloydie to play the controversial pastor. Si Quiboloy rin ang spiritual adviser ni Pangulong Duterte.

Kaso, may problema daw sa sked ni JLC kaya hindi siya maka-commit.

Sisikapin namang iiskedyul ng produksyon ng October o November ang principal photography para mag-adjust lang kay Lloydie.

Naunang inialok ang proyekto kay Aga Muhlach pero nag-quote daw ito ng malaking talent fee.

O, baka naman presyong ayaw ang ibinigay ni Aga.

Other than Lloydie, pinag-iisipan din nilang kunin si Carlo Aquino if plans bog down.

Pero paniniyak ng abogadong producer, plano nilang magprodyus ng hanggang anim na pelikula kada taon.

Ito rin ang nagprodyus sa pelikulang Deception, ang reunion film nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Ronnie Carrasco III