Quiboloy ‘di nagtatago; extradition haharapin – abogado

Quiboloy ‘di nagtatago; extradition haharapin – abogado

February 7, 2022 @ 8:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng kampo ni founder of Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at Executive Pastor na si Apollo C. Quiboloy na susunod siya sa desisyon ng korte ng Pilipinas sakaling hilingin ng United States ang kanyang extradition para harapin ang mga kaso sa Amerika.

Ang pagtitiyak ay ginawa ng abogado ni Quiboloy, Ferdinand Topacio, nitong Linggo, Pebrero 6.

“We will abide by whatever process is made,” giit ni Topacio na isa sa legal counsel ngKOJC.

“Kung sasabihin ng korte na kailangan siyang i-extradited, susundin natin kung ano ang sinasabi ng batas,” giit pa niya.

Ginawa ni Topacio ang pagtitiyak matapos na ilabas ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang mga “wanted” na poster ni Quiboloy kasunod ng federal warrant na inilabas laban sa kanya noong Nob. 10, 2021.

Ito ay may kaugnayan sa di-umano’y pagsasabwatan sa pagsasagawa ng sex trafficking by force, fraud, at coercion, at sex trafficking ng mga bata; pagsasabwatan; at bulk cash smuggling.

“Sa tingin ko ito ay dinisenyo upang hiyain at ipahiya ang pastor at ang mga miyembro ng Kaharian. This is a very despicable act,” ani Topacio .

Ipinunto niya na hindi nagtatago si Quiboloy at “alam ng lahat kung nasaan ang pastor.”

“Hindi na kailangang humingi ng impormasyon sa publiko tungkol sa kinaroroonan ni Pastor Quiboloy. Ginagawa lang yan kapag ang isang tao ay actively a fugitive from justice and in hiding,” paliwanag pa niya.

“Wala siya sa hurisdiksyon ng Estados Unidos. So bakit ang poster nasa Amerika e naririto siya, tanong naman niya.

Kasabay nito, sinabi ni Topacio na habang malapit si Quiboloy kay Pangulong Duterte, “hindi na kailangang pumasok ang Punong Ehekutibo dahil hindi tayo humihingi ng anumang espesyal na pabor sa Pangulo dahil hindi na kailangan.”

“May mga batas dito at hangga’t ang mga batas na iyon ay tapat na nasusunod sa petition for extradition, kung meron man, yun na po ang aming tutuparin,” pagsisiguro pa ng abogado.

Aniya, sa ilalim ng mga batas ng US, ang US State Department ang gagawa ng extradition request sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas.

“Kapag natukoy na ang kahilingan ay nasa ilalim ng alinman sa mga batayan na binanggit noong 1995 Extradition Treaty, hihilingin ng DFA sa Department of Justice (DOJ) na maghain ng petisyon ng extradition sa regional trial court (RTC),” aniya.

“The court (RTC) will hold a probable cause hearing to determine whether extradition can be allowed,” dagdag pa niya. RNT