Quiboloy kinasuhan ni Pacquiao ng cyberlibel

Quiboloy kinasuhan ni Pacquiao ng cyberlibel

September 14, 2021 @ 12:09 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sinampahan ng P100 milyong cyberlibel case ni Senator Manny Pacquiao si Pastor Apollo Quiboloy, Martes dahil sa mga umanoy gawa-gawang kwento nito laban sa Senador.

Sa Makati City Prosecutor’s Office isinampa ni Pacquiao ang kaso laban kay Quiboloy.

Sa 13-pahinang reklamo ng boxing senator, sinabi niya na kailangang bayaran siya ni Quiboloy ng P100 million bilang danyos kasama na ang bayad sa abogado para sa paggamit umano ng pastor ng kanyang “power and influence to spread fake news and false information.”

“He used this deliberate falsehood to brainwash the minds of the Filipino public, recklessly propagating lies to blacken the image and reputation of an honest public servant. He even had the audacity to quote the Holy Scripture in furtherance of his lies, misleading his flock, and confusing the public, with the end in view of blackening another’s reputation,” saad sa reklamo ni Pacquiao.

“His statements, as outlined below, are far from hallow. They are criminal in nature and cannot go unpunished,” giit pa ng senador.

Ito ay makaraang magpakalat umano si Quiboloy ng maling impormasyon na mayroon siyang P3.5 bilyong halaga ng Sarangani Sports Complex.

Taong 1996 pa umano ang larawan ng gusaling inilagay sa social media post na nagmula umano kay Quiboloy.


  •  
  •  
  •