Quick response team ng DPWH pinakawalan na sa Bagyong Karding

Quick response team ng DPWH pinakawalan na sa Bagyong Karding

September 25, 2022 @ 2:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakadeploy na ang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Teams ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga strategic road sections para sa Super Typhoon Karding.

Ang quick response asset ng DPWH ay inilagay na sa red alert status sa pagdaan sa Luzon ng Severe Tropical Storm “Karding” na inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan at magdulot ng posibleng flashfloods at landslide sa mga lugar na lubhang tatamaan.

Ang mga quick response assets ng DPWH ay mayroong quick response team na binubuo ng 8,963 tauhan at 1,590 na kagamitan na bantayan ang kalagayan ng mga kalsada sa buong Luzon at Western Visayas noong Sabado, Setyembre 24, 2022.

Ang DPWH teams ay naka-preposisyon sa lahat ng walong (8) rehiyon ng Luzon na batay sa forecast track ay malamang na maapektuhan ng bagyo upang mabilis na tumugon at matiyak ang access sa mga mahahalagang bahagi ng pambansang kalsada.

Nagsagawa rin ang DRRM teams ng standard protocol sa paghahanda ng typhoon ‘Karding’ na kinabibilangan ng pruning ng mga puno, declogging ng drainage, at paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa mga pambansang kalsada. Jocelyn Tabangcura-Domenden