Quinn Carrillo, may paliwanag sa pagiging lead actress ng sariling script!

Quinn Carrillo, may paliwanag sa pagiging lead actress ng sariling script!

September 1, 2022 @ 8:08 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Bukod kay Bela Padilla ay si Quinn Carrillo ang isa pang artista na gumagawa rin ng scrupt ng kanyang pelikula. Ilan sa mga nagawa niya ay ang mga pelikulang

Tahan, Influencer, My Father, Myself, at ito ngang huli ay ang Showroom kung saan si Quinn ay ang bida/kontrabida.

Nagpaliwanag si Quinn sa mga nagtatanong kung ano ang feeling na maging artista sa sarili niyang script? Hindi ba parang nagihing self-serving ang dating ng ganu’n?

“Nu’ng una, ayaw ko talagang magbida sa script na ginagawa ko. Napa-isip lang ako nu’ng si Joseph Elizalde (PBB Housemate) ang nag-suggest na magbida ako sa script na ginawa ko.

“Naisip ko, i-try ko. Tapos si Boss Vic (del Rosario), binigyan ako ng blessing na magsulat, sabi niya, ‘magsulat ka ikaw ang bida,'” paliwanag ni Quinn.

Ipinagmalaki ni Quinn ang latest movie na sinulat niya, ang Showroom. Isa raw itong sexy/ drama na thriller ang dating.

“Ang Showroom, isa ‘yan sa mga bucket list ko, na gumanap ako ng bida-kontrabida, ayoko kasi nang mabait,” sabi pa niya.

Mahilig si Quinn sa mga dark movies, ‘yun bang horror na, thriller pa.

Ano naman ang kanyang passion project?

“#LeqdingLady, ‘yan isa kong passion project. ‘Yung bida, isang parang extra na may pangarap maging leading lady pero hindi siya nakakakuha ng magandang role kasi maitim at mataba siya. Pero magpapa-enhance siya at magpapaputi kaso tinipid lang niya ang sarili niya. Nu’ng nagkaroon siya ng break, sa first day ng shooting, e, nagkasakit siya dahil tinipid niya ang pagpapa-enhance niya. Medyo may pagka-statement movie din siya,” kwento ni Quinn.

Ang pelikulang Showroom ay gawa ng 3:16 Media Network ni Mam Len Carillo at makakasama rin ni Quinn ang nagbabalik na si Kit Thompson. Ito ay dinirehe ni Carlo Obispo. JP Ignacio