Quinn Carrillo, pinaalis ang ina sa shooting!

Quinn Carrillo, pinaalis ang ina sa shooting!

October 22, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa unang pagkakataon ay naging daring ang sexy actress/scriptwriter na si Quinn Carillo sa pelikulang Showroom, produced by 3:16 Media Network.

Sa pinalabas na trailer ay makikitang halos walang saplot si Quinn na may love scene sa kanyang leading man. Nakapatong ang lalaki at si Quinn naman ang nasa ilalim.

Sinabi nga ni direk Carlo Obispo na may mga ni-request si Quinn nang kinunan nila ang mga maseselang eksena.

Ano kaya ang request na ‘yun?

“Totoo ‘yun, I have to admit. May request ako kay Direk sa shooting lalo na du’n sa love scene. Kasi nakatayo ang mom ko (Ms. Len Carillo) and ‘yung tita ko, nanonood sila while shooting the sexy scenes so ang request ko talaga, e, paalisin muna ang mom ko and tita ko kasi awkward talaga,” ang natatawang sabi ni Quinn.

True enough, pinaalis si Ms. Len sa shooting to think na siya ang producer ng nasabing pelikula.

Ang ending ay nakunan naman mg maayos at peaceful ang daring scene na ‘yun ni Quinn.

FYI, ang Showroom ay sinulat din ni Quinn.

“Na-inspired kasi ako sa pinsan ko who is a real estate agent kaya ayun, nakabuo ako ng istorya about sa mga nagbebenta ng condo unit and their sexcapades,” sabi pa ni Quinn.

Kasama ni Quinn sa movie sina Rob Guinto, Massimo Scoffield at Alvaro Ateyza, streaming soon sa Vivamax. JP Ignacio