Rabiya, ‘di pa rin sumusuko sa ama!

Rabiya, ‘di pa rin sumusuko sa ama!

July 27, 2022 @ 7:10 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ang makaipon ng pera para makapunta sa Amerika at hanapin ang kanyang ama ang pangunahing goal ni Rabiya Mateo.

All she knows is her father’s name: Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hasmi.

Hawak din daw nito ang address sa Chicago, Illinois na maaaring tinitirhan nito.

Bukod dito, it’s as if Rabiya is looking for the proverbial needle in a haystack.

Inamin ni Rabiya na wala siyang sama ng loob sa ama kahit iniwan sila nito.

Sigurado siyang may dahilan daw ang pag-abandona sa kanila.

Biro nga niya, hindi pa raw uso ang salitang ghosting ay na-ghost na ang kanyang ina.

In fairness to her mother, she doesn’t badmouth her father.

Ang kay Rabiya, mahalagang malaman daw niya ang kalagayan ng may-edad na ring ama.

Ano’t anuman, Rabiya has expressed her willingness to take care of him.

Matatandaang sinikap ni Rabiya na matunton ang ama when she competed in the Miss Universe in 2020, but to no avail.

More than ever, she’s raring to go back to the US dahil at least daw, sinubukan niya uli.

Here’s hoping na magtagumpay siya sa kanyang paghahanap. Ronnie Carrasco III