Rabiya, in-unfollow si Jeric, split na?

Rabiya, in-unfollow si Jeric, split na?

June 21, 2022 @ 8:01 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Isa sa mga pamantayan na nagkakalabuan o hiwalay na ang isang celebrity couple ay ang pag-unfollow nila sa isa’t isa sa social media.

Hindi na nga mabilang ang mga relasyon sa showbiz na sa social media muna nabalitaan ang paghihiwalay.

This rings true kahit sa mga magkasintahan pa lang.

Nitong June 20, Lunes ay in-unfollow na nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang isa’t isa sa Instagram.

Burado na rin sa account ni Rabiya ang mga larawan nila ni Jeric.

In fairness to Jeric, intact pa rin ang photos nila ni Rabiya in his Instagram account.

Kaya ang tanong ng mga netizens: sila pa ba o hiwalay na sila?

Matatandaang weeks ago ay may cryptic post si Rabiya hinggil sa isang bagay raw na hindi niya deserve.

Sinundaan ito ng balitang may isang ‘di kilalang lalaki na nakunan ng litrato na kahalikan ni Jeric.

It turned out na eksena raw pala iyon sa isang indie film.

At tila hindi apektado si Rabiya dahil nagpost pa sila ng sweet photos ni Jeric nitong June 16.

Pero makaraan lang ang apat na araw, in-unfollow na nina Jeric at Rabiya ang isa’t isa sa Instagram?

This must be telling us something, ano sa palagay n’yo? Ronnie Carrasco III