Rabiya, inggit-much sa lovelife ni Pia!

Rabiya, inggit-much sa lovelife ni Pia!

July 6, 2021 @ 6:47 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Tatlong red heart emojis ang simpleng reaksyon ni Rabiya Mateo sa mga picture ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kasama ang kanyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Reunited ang magkasintahan na magkasama ngayon sa United Arab Emirates.

Tatlong buwan din silang physcally apart mula nitong March dahil kinailangang umuwi ni Pia mula sa Morocco kung saan magkasama sila ni Jeremy.

Caption ni Pia sa kanilang photo na akmang hahalikan niya ang nobyo sa isang resto sa UAE, “Waiting for our first meal together in what feels like forever.”

Sagot naman ni Jeremy, “Excited!”

Umani ng mga sweet comments mula sa mga netizens ang romantikong tagpong ‘yon, even Rabiya couldn’t help but feel envious but happy for the couple.

Sa isip-isip marahil ni Rabiya, “Sana ako rin…”

Tulad ng alam ng lahat, hiwalay na si Rabiya at ang long-time boyfriend niyang si Neil Salvacion.

Mula nang makabalik after her seven-week stay in the US ay walang balita kung nagkita na ba ang former couple. Ronnie Carrasco III