Rabiya, naawa sa drag queens, pinatuloy sa bahay!

Rabiya, naawa sa drag queens, pinatuloy sa bahay!

October 28, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagulat ang netizens sa kabutihang loob ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo!

Walang pag-aalinlangan kasi nitong tinulungan at pinatuloy sa kanyang bahay ang mga drag queens mula Baguio City na dadalo sana sa isang drag show sa Bonifacio Global City noong Huwebes nang gabi.

Na-scam kasi ang Baguio Queens sa AirBnB na nai-book ng mga ‘to.

Panawagan ng drag queens, kahit matutuluyan lang sana para may mapag-ayusan sa Drag Cartel na dadaluhan nila.

To the rescue naman si Rabiya at in-offer ang mismong place nito.

“Ilan po sila? They can stay at my place sa BGC. Not that big pero they are welcome po,” said Rabiya in a comment.

Inulan naman ng pasasalamat ang beauty queen sa social media. Sabi pa ng netizens, “Beautiful inside and out!”

Awww. You have such a good heart, Rabiya! Paula Jonabelle Ignacio