Rabiya, nagpahiwatig ng kasal kay Jeric, handa nang magka-baby!

Rabiya, nagpahiwatig ng kasal kay Jeric, handa nang magka-baby!

February 22, 2023 @ 3:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines- At this point in her life ay handa na raw mag-asawa si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo.

Ito ang rebelasyon ng beauty queen-turned-actress nang maging panauhin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes.

Diretsong tinanong ni Boy kung susunggaban niya kung sakaling mag-propose ng kasal ang nobyong si Jeric Gonzales at “Yes!” ang tugon niya.

Ayon kay Rabiya, nasa punto siyang nabilhan na niya ng bahay ang kanyang ina at nabigyan pa ng savings ang kanyang pamilya.

Bukod daw ito sa mga naipon niya.

Ready na rin daw siyang maging ina.

For the first time ay inamin ni Rabiya na inalok siya noon ng kasal ng nobyong si Neil Salvacion.

Pitong taon din silang magkasintahan.

Pero aniya, kahit handa na raw noon si Neil na lumagay sa tahimik ay marami pa siyang pangarap sa pamilya na nais niyang makamit.

“I was 23 years old then. While Neil was ready to settle down, I wanted to aspire more. Alangan namang iwanan ko ang pamilya ko. Du’n nag-ugat ang conflict namin aside from the fact na ako nga ang breadwinner sa family,” paliwanag ni Rabiya.

Sa kabila raw ng paghihiwalay nila ni Neil ay nananatili silang magkaibigan, “Puwede namang maging friend mo ang iyong ex, ‘di ba?”

Naputol nga lang daw ang komunikasyon nila dahil nagseselos si Jeric.

Inamin din ni Rabiya na pareho lang daw silang seloso ng nobyo.

Matatandaang for a while ay naghiwalay sina Jeric at Rabiya sa ‘di malamang dahilan only to get back in each other’s arms only recently.

Nang mag-guest si Jeric sa Fast Talk ahead of Rabiya ay tahasan siyang tinanong ni Boy kung on a scale of 1 to 10 ay ano ang estado nila ng nobya.

Ang “6” na sagot ni Jeric ay hindi pinaniwalaan ni Boy kung kaya’t inulit niya uli ang tanong.

Jeric changed his answer at nagbigay ng mas mataas na numero.

Nasa “8” na ang lebel ng relasyon nila ng kasintahan. Ronnie Carrasco III