Rabiya, pinalitan na si Jeric!

Rabiya, pinalitan na si Jeric!

July 5, 2022 @ 7:51 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi pa man lubos na humuhupa ang breakup issue sa pagitan nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ay may kasunod na intriga agad involving the former beauty queen.

Ewan kung sinasadya raw ba ni Rabiya na nag- post siya ng photo ng isang good-looking guy on Instagram.

Nakilalang si Tyler Mata ang guy, half-Pinoy at half-American model na twin brotther ni Tanner na dating PBB housemate.

All the more intriguing ang caption ni Rabiya patungkol kay Tyler, “Thank you for always being there in my lowest.”

So, ito na kaya ang ipinalit ni Rabiya kay Jeric?

If so, parang ang bilis naman niyang maka-move on gayong she and Jeric owe the public an explanation what went wrong with their relationship.

Individually, parehong tikom ang bibig nina Rabiya at Jeric.

Kung tutuusin, mas maraming dapat linawin si Jeric aside from their rumored breakup.

Just recently, pinagpiyestahan ang misteryosong guy na ginawaran niya ng halik.

Ang sabi, isang eksena raw ‘yon sa indie film na ginagawa ni Jeric.

Kaso, hindi maibigay ng kampo ni Jeric kung ano’ng pamagat ng naturang indie film.

Anyway, with Rabiya’s rumored new boyfriend, ano kaya ang masasabi ni Jeric? Ronnie Carrasco III