Rabiya, stage girlfriend kay Jeric?

Rabiya, stage girlfriend kay Jeric?

April 5, 2022 @ 5:21 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Aware kaya si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na napapabalitang obsessed siya sa nobyo niyang si Jeric Gonzales?

Paano ba namang hindi, walang lakad daw si Jeric na hindi siya nakabuntot.

Maging sa pagbabasketball ng aktor sa Batangas ay parang anino nito si Rabiya.

Mabuti pa nga raw noong hindi pa sila,  Jeric would find time for his family and friends.

Ngayon daw, kahit kumustahin man lang ni Jeric ang mga ito’y hindi niya magawa.

Ke planado raw o hindi ang mga lakad ni Jeric ay laging sumasama si Rabiya .

Ang tanong tuloy ng mga netizens, wala raw bang pinagkakaabalahan ang dating beauty queen at nauubos ang oras niya sa nobyo?

Ganito raw ba siya noong time nila ng dating kasintahan na si Neil Salvacion?

Alin daw ba ang mas bagay itawag kay Rabiya, girlfriend o stage girlfriend?

Pangamba ng mga netizens na concerned kay Rabiya, baka madali siyang pagsawaan ni Jeric.

Payo nila, Rabiya should give Jeric some elbow room.

‘Yung lagay daw na ‘yan ay hindi pa sila kasal,  how much more?

May point. Ronnie Carrasco III