Radio blocktimer bugbog-sarado sa 4 na lalaki

Radio blocktimer bugbog-sarado sa 4 na lalaki

October 7, 2022 @ 6:47 PM 2 months ago


ILOILO CITY – Bugbog-sarado ang isang lalaking radio blocktimer makaraan pagtulungan ng apat na lalaki sa bahagi ng Luna Street, La Paz, Iloilo City nitong Biyernes, Oktubre 7.

Sa inisyal na imbestigasyon ng La Paz police, pasakay na sana ng motorsiklo ang radio blocktimer matapos ang kanyang blocktime program sa isang himpilan ng radyo doon nang bigla na lamang lapitan ng apat na lalaking nakasuot ng hoodie at face mask.

Makalipas nito ay bigla na lamang binugbog at pinagtulungan ang biktima na agad ring nakatakbo sa opisina upang makahingi ng tulong.

Agad naman rumesponde ang Disaster Risk Reduction and Management Office ng Iloilo City upang gamutin ang lalaki.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pambubugbog sa radio blocktimer.

Kasunod ito ng mainit na usapin ng pagpatay sa komentarista na si Percy Lapid makaraan barilin ito habang papunta sa himpilan ng radyo kung saan ito nagsasagawa ng kanyang programa. RNT/JGC