Radio broadcaster, patay sa pamamaril!

Radio broadcaster, patay sa pamamaril!

June 29, 2022 @ 5:57 PM 2 months ago


CAGAYAN DE ORO – Patay ang isang radio broadcaster matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa labas mismo ng kaniyang bahay sa Cagayan de Oro City ngayong Miyerkoles.

Kwento ng mga kapitbahay, kabababa lang sa pinapasada niyang taxi ang biktimang si Federico “Ding” Gempesaw nang malapitan siyang barilin ng lalaking suspek.

Agad namang tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo.

Nabatid na bukod sa pagiging block time radio anchor ay nagtatrabaho rin bilang taxi driver si Gempesaw.

Aktibo rin siyang miyembro ng isang local political party sa lungsod at naging dating pinuno sa isang departamento ng city hall.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen. RNT/ JCM