Bicol – Patay matapos tambangan ang isang radio broadcaster sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Peñafrancia, Daraga, Albay ngayong Biyernes (July 20) ng madaling araw.
Sa inisyal na ulat, papalabas na ng kanilang garahe sakay ng sasakyan si Joey Llana at papasok n asana sa kanyang trabaho sa DWZR Zoom Radio nang pagraratratin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin kaninang alas-4:45 ng madaling araw.
Ayon sa pamilya ng biktima, nakatatanggap na umano ng mga death threat ang broadcaster.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya ang pangyayari. (Remate News Team)