Raffy Tulfo at socmed personality Ms. Glenda, spotted!

Raffy Tulfo at socmed personality Ms. Glenda, spotted!

May 26, 2022 @ 5:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagulat ang mga security guards at waiters ng Anabel’s resto sa Kyusi nang biglang dumating si senator-elect Raffy Tulfo.

Dumiretso si Tulfo sa isang private room at halos dalawang oras na nakipag-meeting sa sikat na socmed personality at BSE owner na si Ms. Glenda Victorio.

Napag-alaman namin from the staff of Ms. Glenda na magkakaroon pala sila ng business partnership ni Tulfo ngunit wala pang details na inilabas.

Pagkatapos ng business meeting nina Tulfo at Ms. Glenda ay nagbigay naman ng short speech si Raffy sa ilang mga franchisee ng Brilliant Skin Essentials na nagdi-dinner din sa labas.

Later on ay nag-hop from table to table si Tulfo for a selfie.

Hindi naman nagtagal si Sen dahil umalis din siya agad at nagpaalam pagkatapos niyang makipag-selfie sa mga bisita ni Ms. Glenda. JP Ignacio