Raffy Tulfo, bet gawing National Day of Mourning ang libing ni Susan!

Raffy Tulfo, bet gawing National Day of Mourning ang libing ni Susan!

May 23, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ilang araw matapos ang paglisan ng batikang aktres na si Susan Roces, hinimok ng brodkaster at senator-elect Raffy Tulfo si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing National Day of Mourning ang libing ni Roces.

“We ask President Rodrigo Roa Duterte to declare a national day of mourning on the day of her burial. Rep. Jocelyn Tulfo (Raffy Tulfo’s wife) will file a House Resolution extolling Ms. Susan Roces’ legacy and recommending her nomination for posthumous National Artist honors,” saad nito sa isang statement dated May 21, 2022.

Umani naman ito nang iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens.

May mga sumang-ayon pero hindi mawawala ang mga hindi sang-ayon at nagbigay ng opinyon about the said issue.

“And the comedy show begins,” Kitoy Chua.

“Susan Roces was a celebrity who became famous because of her impeccable acting career and beauty adored by millions of Filipino fans. A day of mourning is not appropriate in my opinion as she didn’t die for the sake of her country,” komento naman ng isang netizen na si Victoria Toya Ingram.

Komento naman ng mga sang-ayon, “Why not? After all, mabait na artista si Susan.”

Susan is dubbed as Queen of Philippine Movies. Huli itong napanood sa Fernando Poe Jr.’s Ang Probinsiyno kung saan gumanap ito bilang si Lola Flora, lola ni Coco Martin na kilala as Cardo Dalisay sa nasabing serye. Paula Jonabelle Ignacio