Raffy Tulfo, bukas sa reklamo ng mga tauhan ni Mommy Divine!

Raffy Tulfo, bukas sa reklamo ng mga tauhan ni Mommy Divine!

December 19, 2022 @ 12:55 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Kung mapapatunayan ang mga paratang ng kanyang mga empleyado laban sa kanya, tagilid ang lagay ni Mommy Divine!

Si Mommy Divine ang butihing ina ni Sarah Geronimo.

Totally ay walang kaugnayan ang ulat na ito sa ‘di pa rin pagkakaayos ng mag-ina.

Ito’y kasong tinalakay ni Ogie Diaz at kasamang mga co-hosts ng Ichika Mo Na, Dali sa pakikitungo diumano ni Mommy Divine sa kanyang mga empleyado.

Ang dapat sana’y blind item lang ay napangalanan ni Ogie nang madulas sa pagkukuwento.

Kabilang sa mga reklamo laban sa showbiz mother ay mga sumusunod:

Kahit pa tinrabaho ng empleyado ang 31st day ng buwan ay wala itong sahod.

May overtime pero walang kaukulang overtime pay na ibinibigay si Mommy Divine.

Wala ring double pay sa mga espesyal na working days alinsunod sa itinakda ng batas.

Hindi rin basta-basta makakapagbitiw sa trabaho ang tauhan kahit may balido pa itong dahilan.

Kahit oras ng pahinga’y ginigising ni Mommy Divine ang empleyado para lang maglaba ng gamit.

Madalas na ipinauulam sa mga empleyado’y paa o ulo ng manok.

Delayed o atrasado ang pasuweldo.

Pati gamit ng empleyado’y nasa possession ni Mommy Divine, na makukuha lang ng tauhan kung may appointment ito sa kanya.

Bawal magkasakit dahil kailangan mo pa ring magtrabaho.

Ang sahod na naka-hold for some reason ay hindi puwedeng kunin ng ibang tauhan.

Ilan lang daw ito sa maraming paglabag ni Mommy Divine sa mga karapatan ng manggagawa.

Ani Ogie na siyang whistle blower, “Actually, matagal ko nang naririnig ang tsikang ‘yan.”

Nagbanta umano ang mga disgruntled employees ni Mommy Divine na isangguni ang kanilang kaso sa programa ni Senator Raffy Tulfo.

Naku, lagot!

As of this writing ay wala pa namang natatanggap na reklamo ang pamunuan ng Raffy Tulfo in Action ngunit bukas sila sa kahit sinong gustong himingi ng tulong. Ronnie Carrasco III