Raid, asunto vs Teves ‘di iligal – DOJ

Raid, asunto vs Teves ‘di iligal – DOJ

March 11, 2023 @ 10:11 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na magdedesisyon ang mga piskalya batay sa ebidensya at hindi espekulasyon sa mga kaso laban kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.

Siniguro din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na legal ang police operation sa bahay ni Teves sa Purok 4, Barangay Poblacion, Basay nitong Biyernes ng umaga.

“There were (two) search warrants issued by the courts so I suppose that all of these were legally carried (out),” sabi ni Remulla sa mga mamahayag.

Iniulat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group at Special Action Force, kasama ang 11th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang pagkakadiskubre sa ilang mga baril, bala at granada.

Mayroon itong mga lisensya ngunit nangangailangan pang iberipika.

Ayon sa kalihim , ang reklamong kriminal laban kay Teves ay may kinalaman sa pagpatay noong 2019 ay sasailalim sa due process.

Binanggit niya na haka-haka lamang sa ngayon na ang 2019 killings ay may kaugnayan sa online cockfighting.

Inalala rin ni Remulla ang pagbisita sa kanya ni Degamo habang nakabinbin pa ang kanyang electoral protest.

“He was already complaining about the violence in Negros but it was a general statement. There were no specifics,” sabi ni Remulla.

Si Teves na ngayon ay nasa Estados Unidos pa ay itinanggi na siya at ang kanyang kapatid na si Henry Pryde, na pinatalsik ni Degamo, ay may kinalaman sa pagpatay sa gobernador.

Samantala, sinabi ng Commission on Human Rights (CHR), na dapat tiyakin Ng gobyerno ang proteksyon ng mga Filipino laban sa lahat ng insidente ng pagpatay.

Naglunsad ito ng motu proprio investigation sa insidente, parallel ng pagsisikap ng pulisya.

Kinikilala rin nito ang mabilis na pagtugon ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas sa pagdakip sa mga salarin at sa patuloy na paghahanap sa mastermind at iba pang kasabwat ng karahasan.

Nanawagan din ang CHR para sa pantay na pangako sa pagtugon sa mga kaso ng pag-atake sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno at pribadong mamamayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden