Raliyista sa kompanya, posibleng kasuhan ng harassment, misinterpretation

Raliyista sa kompanya, posibleng kasuhan ng harassment, misinterpretation

October 17, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng management kung sasampahan ng kaso ang mga organizer at nagpatisipa sa isinagawang rally sa harap ng kompanya ng Regent Foods Corporation kaninang umaga, Oktubre 17.

Bandang 9:00 am ng umaga, Lunes ay nagsagawa ng rally at hinarangan ng may 80 katao ang gate ng Regent Foods Corporation dahil sa hiling nilang ibalik sa trabaho.

Magugunitang noong 2019 ay nagsagawa ng strike ang nasa 300 manggagawa pero idineklara ng Department of Labor and Employment na iligal ang naturang strike at pinabalik sila sa trabaho.

Hindi bumalik sa trabaho ang strikers kahit may utos ang DOLE dahil may mga special demands gaya ng gustong mag-upo ng opisyal sa board ng kumpanya.

Sa kanilang rally nitong Lunes, inamin ng lider ng na nasa humigit kumulang lamang sa 30 katao ang dating manggagawa sa kanilang grupo ng may 80 kataong nagsasagawa ng rally, at sa nasabing bilang, ni isa ay hindi empleyado ng RFC.

Nang hingian and lider ng kopya ng sinasabing may order ang NLRC na nag-aatas sa RFC na tanggapin ang mga manggagawa ay wala umano itong naipakita. Dave Baluyot