Ralph, payag sa paglabas ni Ate Vi sa Vivamax!

Ralph, payag sa paglabas ni Ate Vi sa Vivamax!

January 24, 2023 @ 8:50 AM 1 week ago


Manila, Philippines – All for his wife’s showbiz career, go lang si Lipa City Congressman Ralph Recto.

Isa ang karera ni Vilma Santos sa showbiz sa pinaksa nang isalang ang mag-asawa sa question and answer session kasabay ng pagdiriwang nila ng kanilang more than 30 years of marriage.

The couple opted to spend it in Baguio City dahil ayon mismo sa Star for All Seasons, bukod sa nakakapag-relax sila’y malaking tulong daw ito sa kanilang mental health.

Naging rebelesyon din ‘yon kung gaano ka- game ang kongresista sa pagsagot sa mga tanong na puwedeng ika-off ng ilan.

Tulad na lang ng tanong kung papayag ba siyang lumabas si Vilma sa pelikulang prodyus ng Vivamax.

Ang Vivamax ay kilala sa mga pelikulang may mapangahas na tema at mga eksenang hindi pang-general patronage.

Sagot ni Ralph, “Oo ba, basta ako ang leading man!”

Tanong naman kay Vilma, pinakikialaman ba niya ang cellphone ni Ralph?

Aniya, never daw niyang ginalaw ‘yon kung paanong hindi rin daw niya tsine-check ang pitaka ni Ralph.

Bukod sa naniniwala raw si Vilma na personal na pag-aari na ‘yon ng asawa, dapat daw ay naroon pa rin ang misteryo ng isa’t isa kahit matagal nang nagsasama.

In another topic, inamin naman ni Vilma na naging tomboy siya noong high school.

Sa Saint Mary’s na exclusive school for girls nag-aral si Vilma, so that explains her tomboyish manners dahil sa kawalan ng contact with the opposite sex.

Salungat naman ang Recto couple sa tanong kung okey bang mag-asawa na ang 26-year-old son nilang si Ryan Christian.

Kung pabor si Ralph, sey naman ni Vilma: “Huwag muna naman!”

At sa tanong how she feels now that she has a grandchild na si Isabelle Rose, sagot ni Vilma: “Heaven!” Ronnie Carrasco III