Ramadan simula na bukas, Linggo

Ramadan simula na bukas, Linggo

April 2, 2022 @ 10:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Mag-uumpisa na ang holy Islamic month ng Ramadan bukas, Linggo, ayon kay Grand Mufti ng Bangsamoro nitong Biyernes.

Inanunsyo ito Sheikh Abu Huraira Udasan, na siya ring Bangsamoro Darul-Ifta’ Executive Director, matapos ang tradisyonal na moon-sighting activity.

“Bangsamoro Darul-Ifta’ Executive Director and Grand Mufti of the Bangsamoro, Sheikh Abu Huraira Udasan, has officially announced that the first day of fasting for the Holy Month of Ramadhan 1443H will be on Sunday, April 03,” pahayag ng Bangsamoro sa Facebook.

Nananawagan naman ang holy Islamic month para sa spiritual reflection sa pamamagitan ng pananalangin, fasting, at pag-iwas sa kasalanan.

Magtatapos ang buwan ng Ramadan sa Eid’l Fitr holiday. RNT/SA