Rambo, nagpahaging ng kasal kay Maja!

Rambo, nagpahaging ng kasal kay Maja!

January 12, 2023 @ 3:05 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Matutuloy na ba ang kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ngayong 2023?

Mukha kasing nagbigay na ng pahimakas si Rambo sa kanyang latest Instagram post.

Anito: “Our 2023” na sinundan ng wedding ring emoji.

Nothing else followed kundi emoji lang ng wedding ring which prompted the netizens to ask kung kailan ang kanilang altar date ng actress cum talent manager.

Pero sa halip na sagutin ni Rambo ang pag-uusisa ng mga netizen ay dedma lang siya.

Hinihinala ring binura niya ang post na huling taon na raw ang nakaraang 2022 na mananatili siyang binata, so most likely nga’y this 2023 ang kanilang wedding year.

Tila salungat naman ito sa naging pahayag ni Maja last year.

Malinaw kasi ang pagkakasabi niya that there would be no wedding bells in 2023.

Pero ano’t anuman daw ay malalaman din daw ‘yon ng press most especially those close to her.

But in the meantime daw ay ibalato muna sa kanila ni Rambo ang petsa ng kanilang kasal.

As far as her showbiz career is concerned, pagbibigyan daw siya ni Rambo anuman ang gustuhin niya.

After all, bahagi rin si Rambo ng Crown Artist Management na kumpanyang itinatag ni Maja.

Maunahan pa kaya sila nina QC Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza? Ronnie Carrasco III