Rambulan sa Arena, pagdedesisyunan na ng FIBA!

Rambulan sa Arena, pagdedesisyunan na ng FIBA!

July 19, 2018 @ 2:23 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines –  ‘Wrapped Up’ ito ang kasalukuyang estado ng  imbestigasyon ng FIBA sa nangyaring “Rambulan sa Arena” sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia na naganap sa Philippine Arena noong July 2 sa FIBA World Cup.

“FIBA has completed its investigation into the July 2 brawl between Australia and the Philippines and will announce sanctions at 5pm (AEST), this evening, I’m told.” Sabi ni Olgun Uluc, reporter ng FOX Sports Australia sa kanyang tweet nitong Huwebes (July 19) ng umaga.

Alas-3 ng hapon, Manila time, inaasahang lalabas ang resulta at hatol na kinasasangkutan ng labing tatlong manlalaro, siyam na Gilas players at apat sa Boomers Australia ang pinatalsik sa laro matapos ang sapakan at tadyakan sa  third quarter ng laro.

Samantala sa tweet ni Matt Logue ng Telegraph Sport sinabi niyang magiging makabuluhan at walang lifetime ban ang ipapataw sa mga manlalarong sangkot rito.

Matatandaang nanalo ang Australia ‘by default’ sa iskor na 89-53, sa nalalabing 1:57 oras ng third quarter matapos bumaba ang players ng Gilas sa tatlo: une Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer. (Remate News Team)