Ramon Magsaysay Awards kasado na sa Nob. 30

Ramon Magsaysay Awards kasado na sa Nob. 30

November 27, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasado na ang paggawa ng parangal sa apat na awardees sa isasagawang Ramon Magsaysay Awards sa Nobyembre 30 dito sa Maynila.

Ang Ramon Magsaysay Awards ang bersyon ng Nobel Prize dito sa Asya.

Sa pahayag, sinabi ng Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) na gagawaran ng parangal sina Gary Bencheghib ng Indonesia, Sotheara Chhim ng Cambodia, Tadashi Hattori ng Japan at Bernadette J. Madrid ng Pilipinas.

“This year’s Ramon Magsaysay awards represents the best of humanity,” ayon kay RMAF chairman Aurelio Montinola III, kung saan idiniin din niya na kauna-unahan sa 64-taon kasaysayan ng awards ceremony ay gaganapin ito sa Ramon Magsaysay Center.

“We invite everyone to join us in celebrating the transformative work and the inspiring lives of the 2022 Ramon Magsaysay awardees. Their remarkable achievements are testament that Asia is a region teeming with seemingly ordinary people who are capable of doing extraordinary things. They are leaders who can truly change the world,” pag-iimbita ni Montinola.

“This year is also a transition year for us at the Foundation. To strengthen our identity as an Asian organization, we shall continue inviting prominent Asian leaders, including past Ramon Magsaysay awardees, to be guests of honor at the annual presentation ceremonies,” dagdag niya. RNT/JGC