Random inspection, drug test sa PUV drivers ikakasa ng LTO

Random inspection, drug test sa PUV drivers ikakasa ng LTO

September 22, 2022 @ 9:44 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Itutuloy ng  Land Transportation Office (LTO) ang pagsasagawa ng random nationwide inspections at drug tests sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) upang maprotektahan ang kaligtasan sa kalsada.

Sinabi ng LTO na ang hakbang ay alinsunod sa Section 15 ng Republic Act No. 10856 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

“This is part of the LTO’s objective to ensure the safety of road users, especially the riding public, so they will not become victims of road crash incidents,” ayon sa pahayag ng LTO.

“The LTO aims to help avert these incidents by preventing drivers under the influence of alcohol or illegal drugs from operating a motor vehicle by confiscating their driver’s license and requiring them to undergo drug rehabilitation,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng LTO, 558 na insidente ng banggaan sa kalsada ang naitala mula Enero hanggang Agosto 2022, kung saan noong Agosto ang pinakamaraming bilang sa 128 at 476 na mga driver ang nagpositibo sa pagkalasing sa alkohol.

Ang mga lisensya ng mga driver na nagpositibo sa pagkalasing sa alak ay isinailalim sa alarma at preventive suspension sa loob ng 90 araw habang hinihintay ang administrative sanction at kaugnay na parusa na ilalapat sa mga lalabag. RNT