Random inspection sa mga tindahan ng paputok ikakasa ng PNP

Random inspection sa mga tindahan ng paputok ikakasa ng PNP

November 8, 2022 @ 7:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ng random inspection ang pulisya sa mga manufacturer at dealer ng paputok kasunod ng pagsabog noong nakaraang linggo sa Sta. Maria, Bulacan.

“Because of what happened in the past days ay magka-conduct ngayon ng mga random inspection yung ating regional Civil Security Unit, katuwang po yung ating local police para hindi na po mauulit itong nangyari,” ani PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Umapela naman si Fajardo sa mga alkalde na tiyaking bago mag-isyu ng permit sa mga manufacturer at dealer ng paputok at pyrotechnic device, dapat ay sumunod sila sa lahat ng rekisitos na ipinag-uutos ng Philippine National Police.

Sinabi ng PNP na noong Nob. 4, labing siyam (19) na permit ang naibigay na sa mga miyembro ng industriya ng fireworks at pyrotechnics devices, at marami pang aplikasyon ang nasa proseso pa.

“Base sa ating coordination last Friday sa chief po ng Firearms and Explosives Office ay itong buwan pong ito, they will be expediting conduct po ng mga seminar dun po sa mga manufacturers and dealers po ng firecrackers and pyrotechnic devices,” ani Fajardo.

Apat katao ang nasugatan sa pagsabog sa isang fireworks manufacturing site noong Huwebes sa Bulacan. Napag-alaman ng mga imbestigador na walang permit ang operasyon. RNT