Random manual audit itutuloy kahit walang Namfrel – Comelec

Random manual audit itutuloy kahit walang Namfrel – Comelec

May 8, 2019 @ 2:24 PM 3 years ago



Manila, Philippines – Patuloy pa rin ang Commission on Elections sa paghahanda para sa random manual audit (RMA) sa May 13 election.

Ito’y sa kabila ng pag-atras ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) mula sa pagiging citizen’s arm ng ahensiya.

Una nang tinanggihan ng Namfrel ang akreditasyon para sa RMA, matapos silang hindi payagan ng Comelec na magkaroon ng access sa information and data.

Sa ngayon, wala pang binabanggit ang Comelec na kapalit ng Namfrel, pero sinabi nito maraming grupo ang handang humawak ng RMA.

 “Magtutuloy,” ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez. “Hindi tutumba yung proseso just because someone decided they don’t want to play anymore.” (Remate News Team)