Random manual audit ng mga boto sa 2022 elections, 99.9% tugma – Comelec

Random manual audit ng mga boto sa 2022 elections, 99.9% tugma – Comelec

May 24, 2022 @ 5:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nananatiling 99.9% na tugma ang random manual audit ng mga boto sa 2022 elections.

Sa press conference, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) acting spokesperson Rex Laudiangco na 163 na ng 757 na clustered polling precincts ang kanilang na-audit.

“For the random manual audit, as of May 23, 4 p.m., they had already audited 163 ballot boxes and they are processing now 50. And they have received 737 out of 757. And the match rate remains at 99.9%,” saad niya.

Ang random manual audit ay pinangungunahan ng Comelec, poll watchdogs gaya ng LENTE, isang Samahan ng mga certified public accountants, at ng Philippine Statistics Authority.

Layon nito na suriin ang naging performance ng mga vote counting machines (VCMs) at mga balota para berepikahin ang pagiging tugma nito.

Samantala, base sa hiwalay na audit ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), sinabi ni Laudiangco na 77,786 ng 78,894 nakolektang election returns (ERs) ang nagpakita ng 100% accuracy rate.

Habang iva-validate pa ang nasa 339 ERs. RNT/ JCM