Randy, di maka-commit kay Kuya Wil sa AllTV!

Randy, di maka-commit kay Kuya Wil sa AllTV!

November 21, 2022 @ 10:33 AM 6 days ago


Manila, Philippines – Taong 1983 pa ang pagkakaibigan nina Randy Santiago at Willie Revillame.

They belonged to Cicada band.

For a time ay binansagan si Willie bilang isa sa mga Hawi Boys ni Randy at the height of the latter’s fame.

Sila ‘yung mga tagahawi ng mga tagahanga ni Randy to prevent them from coming near the singer na talaga namang sikat na sikat that time.

At ngayon ngang may upper hand si Willie sa bagong tayong AllTV ay nais nitong isama si Randy.

‘Yun nga lang, Randy’s contract with TV5’s Sing Galing won’t allow him to seize the offer.

Ang totoo, hanggang December this year pa effective ang kontratang pinirmahan ni Randy sa nasabing programa.

Slated on December 3 ang grand finals ng mga kid contestants.

The week after naman ay grand finals para sa mga adult na kalahok.

Ani Randy, “Pagkatapos nu’n, puwede na ako kahit saan.”

Gusto nga rin daw ni Willie na magdirek ang long-time friend.

Pero para kay Randy, iba raw ang challenge sa larangan ng pagdidirek dahil sa napakalaking responsibilidad na nakaatang sa iyong balikat.

Ibang-iba raw ‘yon sa pagkanta o pag-arte for which Randy is known.

Sa ngayon ay ayaw daw muna niyang abalahin si Willie who has his hands full habang nakatutok sa Villar-owned network.

But Randy acknowledges the fact na marami siyang puwedeng gawin doon that will put his talent to good use. Ronnie Carrasco III