Rape stories ni Pepsi Paloma, “FAKE NEWS”-Sotto

Rape stories ni Pepsi Paloma, “FAKE NEWS”-Sotto

August 3, 2018 @ 7:11 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Mariin na sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ‘fake news’ ang mga artikulo tungkol sa pagkakasangkot niya sa umano’y rape at pagkamatay ni ’80s star Pepsi Paloma, kahapon (August 2).

“To me, these are disinformation. Once people know what is true, they’ll see it’s not. I have decided to brush them aside and not pay attention to this type of disinformation, ‘yan mga ‘original fake news,'” sabi ni Sotto sa isang panayam.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, hiniling ni Sotto ang pagtanggal ng mga artikulo na may titulong, “The Rape of Pepsi Paloma,” “Was Pepsi Paloma murdered?” at “Tito Sotto denies whitewashing Pepsi Paloma rape case” mula sa website na Inquirer.net, online platform ng Philippine Daily Inquirer (PDI) broadsheet.

Opisyal itong inalis online noong July 4.

Sinabi ni Sotto na ang pagtanggal sa mga artikulong sa internet ay “perhaps helped in settling the noise because it’s fake news.”

Pumutok ang balita tungkol sa umano’y gang-rape kay Paloma noong 1982 matapos maakusahan ang mga komedyanteng sina Joey de Leon, Vic Sotto, at Richie D’Horsey sa pangdro-droga at pang-ra-rape sa aktres.

Nadawit ang pangalan ni Sotto matapos ang umono’y pagpilit nito kay Paloma sa pagpirma ng affidavit of desistance at upang ipatigil ang kasong rape laban sa tatlo. Remate News Team