Rape suspect huli sa sariling bahay

Rape suspect huli sa sariling bahay

November 11, 2022 @ 7:37 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinamba ng Malabon Police ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Kalaboso si Nico Fernando, 21, binata, obrero ng 49 Liwayway St., Brgy. Bayan-bayanan, Malabon.

Dakong 6:00 ng gabi nitong Nobyembre 9 nang dakpin si Fernando sa kanyang bahay.

Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Abigail Santos Domingo-Lylo, Presiding Judge, Malabon City at walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip. Merly Iral