Rape suspect na matapang, kumuha ng police clearance, timbog!

Rape suspect na matapang, kumuha ng police clearance, timbog!

May 23, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


LUNA, APAYAO-Buong akala ng isang binatang akusado sa pangagahasa o rape ay makakaligtas siya sa mga otoridad matapos kumuha ng National Police Clearance System o NPCS sa Barangay Poblacion, Luna, Apayao.

Sa ekslusibong panayam ng REMATE kay PCol. Reynaldo Ogay Jr., Provincial Director ng Apayao Police Provincial Office o APPO ang akusado ay nakilalang si King John Credo Cabanglan, 24 anyos, binata at residente ng Payagan East, Ballesteros, Cagayan

Una rito, habang kumukuha ng police clearance ang akusado ay biglang lumabas sa data ng e-warrant ay may kinakaharap na kasong rape kung kayat agad na isinilbi ang kanyang warrant of arrest.

Si Cabanglan ay may kinakaharap na kasong o dalawang beses na panggagahasa o 2 counts of rape na inisyu ni Hon. Maribeth S Rodriguez-Manahan, Presiding Judge ng RTC, 4th Judicial Region Branch 175, San Mateo, Rizal na walang kaukulang piyansa.

Batay sa warrant of arrest ng akusado ay may criminal case # 26585-21 and 26586 sa kasong rape.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.  Rey Velasco