Rape suspek…timbog

Rape suspek…timbog

August 9, 2018 @ 7:41 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki na akusado sa kasong rape sa Sta.Cruz, Manila ngayong hapon.

Hawak ngayon ng MPD-PS 3 ang suspek na si Fernando Ramos, 45, walang asawa, helper at nakatira sa Sta Cruz Manila.

Nabatid na sa pangunguna ni P/Sr.Insp. Inocensio Richard Villanueva, naaresto ang suspek dakong alas-2:15 kanina sa kahabaan ng Milagros St., Sta.Cruz, sakop ng Brgy.323.

Nakatanggap umano ang istasyon ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek na kabilang sa wanted person kaya agad inilatag ang Oplan Galugad sa nasabing lugar na nagresulta ng kanyang pagkaaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Presiding Judge Hon. Jacqueline Martin Balictar ng Manila RTC Branch 9 dahil sa kasong rape. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)