Rape trial ni Vhong Navarro, gumulong

Rape trial ni Vhong Navarro, gumulong

February 16, 2023 @ 2:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Simula na ngayong Huwebes, ang trial sa “It’s Showtime” host at komendyanteng si Ferdinand “Vhong” Navarro para sa kasong rape.

Inaakusahan si Navarro ng panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo sa kanyang condominium unit noong Jan. 17, 2014. Pinalaya siya noong Dsiyembre nang payagan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang kanyang petisyon na makapagpiyansa na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Hindi rekisitos na dumalo ang TV host sa hearing ngayong araw.

Nang ipag-utos ng Taguig court na palayain si Navarro mula sa Taguig City Jail Male Dormitory noong Dec. 6, itinakda rin nito ang petsa para sa rape trial.

Sa ilalim ng utos ng korte, ang prosekusyon ang magsisimula ng oresentasyon ng evidence-in-chief ngayong Feb. 16. Ipagpapatuloy nila ang pagpresenta sa loob ng 12 pang hearing hanggang April 11, 2024.

Para naman sa panig ni Vhong, ipiprisenta ng kanyang defense team ang ebidensya simula May 16, 2024 sa lima pang hearing hanggang Nov. 14, 2024.

Noong Dec. 19, umapela si Cornejo sa bail grant kay Navarro at naghain ng mosyon na mag-inhibit ang Taguig judge mula sa hearing ng kaso.

Sa desisyon na may petsang Jan. 12, ibinasura ng Taguig RTC Branch 69 ang motion for reconsideration with motion to inhibit ni Cornejo matapos mapag-alaman na inihain ang petisyon nang walang pag-apruba ng Taguig City Prosecutor’s Office. RNT/SA