Rapid test, out na pagkatapos ng MECQ – DOH

Rapid test, out na pagkatapos ng MECQ – DOH

August 5, 2020 @ 4:19 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang hindi na magagamit ang Rapid Anti-Body Testing Kits pagkatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.

Ayon sa Department of Health, kabilang ito sa listahan ng “What is expected after 14 days” o target ng ahensya kapag natapos na ang MECQ sa National Capital Region at mga kalapit na lalawigan.

Bukod dito, sinabi rin ni Health Usec. Maria  Rosario Vergeire na wala na ring probable, suspected o confirmed cases ng COVID-19 o kahit kanilang contact na naka-home quarantine.

Maliban na lamang kung kwalipikado para sa home quarantine ang lugar at maisalang sa assessment ng health team.

Ayon kay Vergeire, nasailalim na sa symptom checks ang bawat household sa panahon ng MECQ.

Habang ang mga may sintomas, history o nakasalamuhang may COVID-19 ay kailangan nang sumalang sa swab test at hindi sa rapid test.

Kasama rin sa listahan ang “high awareness and compliance” o kaalaman at pagsunod ng mga tao sa minimum health standards.

Kailangan laging naka-face mask ang mga tao o faceshield, at kailangan may physical distancing lalu na sa matataong lugar.

Samantala, kailangang matukoy sa kada-kumpirmadong kaso ang hindi bababa sa 37 contacts sa isasagawang contact tracing.

Makakaasa naman na “zero out of pocket” ang mga admitted patient o na-ospital.

Target din ang isang daang porsyento na pagtukoy sa clusters, pag-contain dito at mai-isolate.

At umaasa rin ang DOH na wala nang stigma sa mga komunidad dahil sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...