Rapist himas-rehas sa Navotas

Rapist himas-rehas sa Navotas

October 5, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippiens – Binitbit sa selda ang isang truck driver na listed bilang top 6 most wanted dahil sa kasong rape matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Carlito Lorito Jr, 27, at residente ng Bustos, Bulacan.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen, Navotas City kaya nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar.

Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS at Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/Major Felix Vanancio Rivera ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:30 ng hapon sa nasabing lugar.

Si Lorito ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia B. Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City para sa kasong Rape at sexual assault. Boysan Buenaventura